Meet Lola Baby, an avid Lazada shopper.

“Ako po si Baby Zorrilla, 85 years old. Matanda na ako at marami na akong nakitang mga pagbabago. Dati, wala yang mga cellphone at computer na yan. Yung TV nga namin dati dipukpok pa eh, nabuhay naman kami. Kaya tuwing nakakakita ako ng mga batang nag-cecellphone, halos nakadikit na yung mga mukha sa screen, napapa-iling ako. Isip ko, hindi naman importante yan kaya hindi ako interesado.

Pero nagbago yung paningin ko habang tumatanda ako. Ngayong umabot na ko sa ganitong edad, naisip ko dapat ma-enjoy ko na ng lubusan ang buhay ko. Pinaghirapan ko rin naman magtrabaho kaya ako naka-ipon. Dahil sobra-sobra na, mas maganda na ipamahagi ko sa mga apo at pamangkin ko, lalo na’t hindi naman ako nabiyayaan ng asawa’t anak.

Kung ano-ano na pinagbibili ko diyan sa Lazada. Yung tv ko, yung pangturok para sa diabetes, yung aircon ko, pati yung microwave. Ang dami no? Hahaha. Yung discounts kasi sobrang dami kaya napapabili ako kahit hindi kailangan. Feeling ko tuloy ginawa si Lazada para saming mga matatanda.”